ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaki sa Pangasinan, nag-amok; 2 patay, 3 pa sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang traffic enforcer ang nasawi matapos magwala at managa ang isang lalaki sa Mangaldan, Pangasinan nitong Huwebes ng umaga. Napatay din ng mga rumesponding pulis ang suspek. Iniulat ni CJ Torrida ng GMA-Dagupan sa GMA News 24 Oras, na unang inatake at napatay ng suspek na si Jose Penuliar ang traffic enforcer na si Florentino Molano. Sinaway umano ni Molano si Penuliar dahil sa pagiging maingay nito. Matapos tagain at gilitan si Molano, pinagbalingan naman ni Penuliar at tinaga sa braso ang isang balikbayan na nagbibisikleta. Kasunod nito, pinasok naman ni Penuliar ang bahay ng isang mag-ina na pinagtataga rin ng suspek at nasugatan. Inatake rin umano ni Penuliar ang rumesponding mga pulis kaya siya binaril. Inaalam pa ng mga awtoridad kung ano ang dahilan ng pagwawala ng suspek. Pero ayon sa ilang residente, madalas umanong uminom ng alak at lasing si Penuliar. - FRJ, GMA News