ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Mahigit 20 residente sa Ilocos Norte, 'pinabagsak' ng kinaing talaba
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mahigit 20 residente sa Laoag, Ilocos Norte ang sumama ang pakiramdam matapos makakain ng talaba na lumitaw sa pagsusuri ng City Health Office na panis na. Sa ulat ng GMA News TV's Balitanghali nitong Martes, sinabing nakaranas ang mga apektadong residente ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at panghihina matapos kainin ang talaba. Sa pagsusuri ng City Health Office, natuklasan na panis na ang talaba nang kainin ng mga residente. Karaniwan umanong madaling masira ang mga pagkain kapag panahon ng tag-init. Ilan sa mga biktima ay patuloy na nagpapagaling sa ospital, habang ang ilan na walang sapat na perang pampagamot ay pinili na lamang magpahinga sa kanilang mga bahay. - FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular