ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Tanim na marijuana, itinago sa iba pang halaman sa Ilocos Sur
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng Ilocos Sur Provincial Command at Nagbukel Police Station ang isang taniman ng marijuana sa lalawigan. Itinago ang mga marijuana sa pagitan ng iba pang pananim na sili, kamatis at tabako sa isang bukirin sa barangay Lapting sa bayan ng Nagbukel. Ayon sa kapitan ng barangay, hindi niya alam na may nakatagong mga tanim ng marijuana sa lugar, na sinasabing sinasaka ng isang nagngangalang “Sayas.” Binunot ng mga awtoridad ang mga marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P7,200. May ilan ding pinatuyong dahon ng marijuana na nakuha sa lugar. Dinala ang nakumpiskang mga halaman ng marijuana sa provincial office ng Ilocos Sur police, habang pinaghahanap naman si Sayas. -- JELabiano/FRJ, GMA News
More Videos
Most Popular