ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Grade 5 student, hinuli matapos bentahan ng baril ang isang tanod


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dinakip ng mga pulis ang isang grade 5 student sa Hagonoy, Davao del Sur matapos nitong alukin umano ng baril ang isang lalaki na nagkataong barangay tanod. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Miyerkules, sinabing isinumbong ng tanod ang bata sa pulis kaya ito nahuli. Paliwanag naman ng bata, napag-utusan lang siya na ibenta ang kalibre 38 baril kapalit ng ibibigay sa kanyang P200 kapag naibenta ito. Kilala na umano ng mga pulis ang taong nag-utos sa bata pero hindi muna nila ito pinangalanan hanggat hindi pa nila nahuhuli. Ipinagkatiwala naman sa Department of Social Welfare and Development  (DSWD) ang bata. - FRJ, GMA News

Tags: childabuse, minor