ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

54-anyos na lalaki sa Ilocos Norte, patay matapos kumain ng palaka


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang lalaki na pinaniniwalaang nalason sa kinaing palaka sa Vintar, Ilocos Norte. Ayon sa misis ng nasawing si Edwin Carlos, namanhid ang bibig, sumakit ang tiyan at nagsuka ang kanyang mister matapos kainin ang nahuli nitong palaka sa ilog na kung tawagin ay “karag.” Isinugod pa si Carlos sa ospital pero hindi na siya umabot nang buhay. Ayon kay Arthur Valente, ng Fishery Regulatory Coordinator ng Provincial Agriculture Office, may inilalabas na likido ang nabanggit na palaka sa likod ng taenga o sa mata na posibleng nagtataglay ng lason na maaaring dahilan ng pagkamatay ng biktima. Dahil sa insidente, nagpaalala sa publiko ang awtoridad na maging maingat sa mga kinakain, at kaagad na dalhin sa ospital ang mga pasyente na biktima ng food poisoning. -- JELabiano/FRJ, GMA News