ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Binatilyong tumatawid sa highway, patay nang mabundol ng bus


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 13-anyos na lalaki ang namatay matapos itong mabundol ng isang pampasaherong bus sa Bato, Camarines Sur nitong Huwebes ng gabi. Ayon sa ina ng biktimang si Jeanrey Ortega, galing sa peryahan ang kanyang anak at pauwi na nang mabundol ng bus habang tumatawid sa highway. Sinubukan pang dalhin sa ospital si Ortega pero binawian na ito ng buhay. Inihayag naman ng pulisya na posibleng mabilis ang takbo ng bus kaya hindi na nito napansin ang tumatawid na biktima. Kusang loob namang sumuko ang driver ng bus na si Willrey Guinoo matapos ang aksidente. -- CPOlivares/FRJ, GMA News