ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

10 patay, 2 nawawala, sa paglubog ng isang bangka sa Liguasan marsh


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sampu katao ang nasawi, habang dalawang iba pa ang nawawala nang lumubog ang isang bangkang de-motor sa Liguasan marsh sa bayan ng Sultan Sa Barongissa sa Maguindanao nitong Lunes ng gabi. Ayon kay SSB Mayor Datu Allan Angas, anim na pasahero ng bangka ang nailigtas sa trahedya. Pauwi na umano sa bayan ng Pagalungan ang mga pasahero matapos dumalo sa isang pagtitipon sa kalapit na bayan ng SSB nang mangyari ang sakuna. Lumilitaw din umano sa imbestigasyon na overloaded ang bangka, at tumaob nang biglang lumakas ang alon dulot ng malakas na hangin. Lima sa mga nasawi ay kinilalang sina Panunggo Kudtog, 63; Baikong Kudtog, 30; Paano Kudtog, 7; Montoki Kudtog, 9; and Seno Blah, 40, na pawang residente ng Barangay Kudal, Pagalungan, Maguindanao. Patuloy naman na hinahanap ang dalawa pang nawawala, ayon kay Angas, na pinuno rin ng SSB Municipal Disaster Risk Reduction Management Council. -- MCM/FRJ, GMA News