ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Banggaan ng tricycle sa Pangasinan, 1 patay, 3 sugatan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang tricycle driver ang nasawi, habang tatlong iba pa ang nasugatan nang magbanggaan ang dalawang tricycles sa bayan ng Villasis sa Pangasinan. Sa ulat na ipinalabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council nitong Huwebes, sinabing naganap ang sakuna dakong 10 p.m. noong Martes sa Villasis-Asingan Provincial Road sa Poblacion Zone I. Kinilala ang nasawi na si Romulo Alzate Bernabe, 34, driver ng Lifan tricycle. Sugatan naman sina Manuel Obillo, 36; Jason Obillo, 17; at Rodolfo Brendia, 17. Dinala ang mga nasaktan sa Ordoñez Hospital at Polymedic and Trauma Hospital. Sa imbestigasyon, lumitaw na nag-overtake ang Suziki tricycle sa isa pang sasakyan pero sumalpok ito sa kasalubong na Lifan tricycle na nasa kabilang linya ng kalsada. Napag-alaman naman na walang plate number at headlight ang Lifan tricycle nang maganap ang maaksidente. - FRJ, GMA News