ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking bagong laya sa kulungan, pinaslang sa Davao del Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Patay ang isang lalaki matapos itong barilin ng hindi pa kilalang suspek sa Sta Cruz, Davao del Sur, ayon sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV. Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabing nagtamo ng tatlong tama ng bala ng baril ang biktima. Wala namang maisip na posibleng suspek ang mga kaanak ng biktima dahil wala daw silang alam na kaaway nito.   Pero napag-alaman ng pulisya na kalalaya lang ng biktima sa bilangguan matapos makulong dahil sa kasong pagnanakaw. Inaalam pa ng pulisya kung may kaugnayan ang pagkakakulong ng biktima sa pagpaslang sa kanya. -- FRJ, GMA News