ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Guro at estudyante, humingi ng tulong sa NBI para maalis sa internet ang kanilang sex video


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dumulog sa National Bureau of Investigation (NBI) sa Iloilo City ang magkasintahang guro at estudyante para matigil ang pagkalat sa internet ng kanilang sex video. Ayon kay Atty. Ramilo Quinto ng NBI-Region 6, humingi sa kanila ng ayuda ang magkasintahan para mapatigil ang pagkalat ng kanilang sex video na kinunan dalawang taon na ang nakararaan. Inamin naman daw ng dalawa na sila ang nag-video ng kanilang pagtatalik gamit ang cellular phone ng guro. Hindi umano nila binura ang naturang video hanggang sa mawala ang naturang cell phone na pinaniniwalaan nilang pinagmulan ng ikinakalat na sex video. Sa ilalim ng Republic Act 9995 o ang Anti Photo and Video Voyeurism, ipinagbabawal at may nakalaang parusa ang sinumang mapapatunayang kumuha o pag-upload sa internet ng sex video o anumang malalaswang larawan nang walang pahintulot ng mga sangkot na personalidad. Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang NBI tungkol sa nabanggit na reklamo ng magkasintahan. -- Mark Nunieza/FRJ, GMA News