ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 patay, 28 naospital dahil sa hinihinalaang cholera outbreak sa Maguindanao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dalawa katao ang nasawi habang 28 na iba pa ang naospital dahil sa hinihinalaang cholera outbreak sa Bongo Island sa probinsya ng Maguindanao.   Ayon sa ulat ng Kape at Balita sa GMA News TV nitong Huwebes, sinabing isinugod ang mga apektadong residente sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) dahil sa pagdudumi at pagsusuka.   "Pwede siyang cholera, kasi nakaka-10 episodes na watery talaga. Pero kailangan pa natin ng mga laboratory tests, stool exam, stool culture," ani Dr. Shariff Amilwari Manibpel, duktor sa CRMC.   Hinala ng mga residente, kontaminado ang tubig sa kanilang balon.   "As claimed by the patients, isang [source] lang ang pinagmumulan ng tubig nila, ng water supply nila," dagdag ni Manibpel.   Habang hinihintay ang resulta ng mga eksaminasyon, inirerekomenda ng duktor na manatili muna sa ospital ang mga pasyente. -- Mandy Fernandez/FRJ, GMA News