ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pastor, binaril sa ulo, patay sa Ilocos Norte


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Dead on arrival sa ospital ang isang pastor na binaril sa ulo habang nakaupo sa harapan ng tinutuluyan niyang bahay sa Laoag City Kinilala ang biktimang si Pastor Macario Campañano, residente sa barangay Nueve sa Laoag City. Isang tama ng bala mula sa kalibre 45 na baril ang tinamo ng biktima. Sa imbestigasyon ng pulisya, lumitaw na bago nangyari ang krimen, kausap ng biktima ang isa pang pastor sa labas ng inuupahan nitong bahay. Pinag-uusapan umano ng dalawa ang kanilang negosyong food supplements nang lapitan ito ng hindi pa nakikilalang suspek at binaril ang biktima. Mabilis ding tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo. Bukod sa negosyo, iniimbestigahan din ang anggulong pulitika bilang motibo ng pamamaslang dahil provincial coordinator ito ng isang party-list group sa lalawigan. Ngunit ayon sa misis ng biktima, hindi na kabilang sa party-list group si Campañano. Nakakuha ng isang basyo ng bala mula sa kalibre 45 na baril ang mga imbestigador sa pinagyarihan ng krimen. -- Jean Erica Labiano/FRJ, GMA News