ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 pulis, patay sa ambush sa Ifugao


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong pulis ang nasawi, at tatlong iba pa ang nasugatan ng tambangan sila ng mga armadong lalaki na hinihinalang kasapi ng komunistang rebelde sa Asipulo, Ifugao nitong Biyernes. Ayon kay Supt. Davy Vicente Limmong, tagapagsalita ng Cordillera Regional Police, pawang nakatalaga sa Regional and Provincial Public Safety Battalion  ang mga biktima na hindi pinangalanan. Sinabi nito na nagpapatrolya ang mga pulis sa barangay Namal nang paputukan ng mga hinihinalang rebelde na armado ng matataas na kalibre ng baril dakong 7:30 a.m. nitong Biyernes. - FRJ, GMA News