ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Misis ng investment scam suspect na si Coco Rasuman, inilipat na sa NBI


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inilipat ngayong Sabado sa kostudiya ng National Bureau of Investigation (NBI) ang asawa ng itinuturong mastermind sa naganap na investment scam sa Mindanao.   Ayon sa ulat ni Mao dela Cruz sa radio dzBB, bantay-sarado na dinala sa NBI headquarters sa Taft Avenue sa Maynila si Princess Tomawis Rasuman mula sa Pasay City police.   Inatasan ni Pasay City police chief Senior Superintendent Rodolfo Llorca ang Special Weapons and Tactics (SWAT) na magbigan ng seguridad kay Gng. Rasuman sa paglilipat sa NBI.   Sa hiwalay na ulat sa "Balitanghali", tiniyak ng NBI na walang special treatment na ibibigay kay Gng Rasuman, asawa ni Jachob "Coco" Rasuman, itinuturong nasa likod ng pyramid investment scam sa Mindanao.   Naaresto si Gng. Rasuman nitong Miyerkules ng gabi sa Quezon City, at dinala sa Pasay City police headquarters.   Agad tumungo sa Pasay City police headquarters ang mga nabiktima ng mag-asawang Rasuman matapos malaman ang pag-aresto.   Nauna nang iniulat sa radio dzBB na ikinunsidera ng Pasay police ang paglipat kay Gng. Rasuman sa Southern Police District para matiyak ang seguridad nito. - JGV/FRJ, GMA News