ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Konsehal sa Camarines Sur, patay sa heat stroke


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang re-electionist na konsehal sa bayan ng Canaman, Camarines Sur ang nasawi matapos magsagawa ng maghapong pangangampanya habang matindi ang init ng panahon. Kinilala ang nasawi na si incumbent municipal kagawad Loreto Trampe, 66-anyos, at muling tumatakbo sa pagka-konsehal. Lumilitaw sa imbestigasyon na biktima ng heatstroke si Trampe na posibleng labis na nainitan nang mangampanya noong Sabado. Ayon kay Reynata Trampe, asawa ng konsehal, dati nang may iniindang sakit sa puso ang kanyang mister, na 12 taon nang nanunungkulan bilang kagawad. Dahil sa nangyari, matinding kalungkutan ang nadarama ngayon ng kanyang mga kabarangay. Inilarawan ni ni Grace De Los Santos, na mabait na tao si Trampe at maraming kababayan nila ang natulungan. Wala pang plano ang pamilya Trampe sa naiwang responsibilidad ng kanilang padre de familia. -- Michael B. Biando/FRJ, GMA News