ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Lalaking binaril sa Ilocos Norte, naituro ang suspek bago malagutan ng hininga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi man umabot ng buhay sa ospital, nagawa namang pangalanan ng isang lalaki ang taong bumaril sa kanya na naging sanhi ng kanyang kamatayan sa Batac City, Ilocos Norte. Isang tama ng bala ng baril sa dibdib ang tumapos sa buhay ng biktimang si Reynante Lubera, 49-anyos, residente ng Brgy. San Pedro, Batac City. Batay sa imbestigasyon, pauwi na ang biktima sa kaniyang bahay sakay ng motorsiklo nang tambangan siya ng suspek. Mabilis na tumakas ang suspek sakay ng tricycle matapos barilin si Lubera. Pero bago malagutan ng hiningi, nabanggit umano ng biktima ang pangalan ng suspek na si Ben Cariaga. Naniniwala ang misis ng biktima na selos ang dahilan kaya pinaslang ang kanyang mister. Pinuntahan ng GMA News ang bahay ng suspek na miyembro ng Peace Keeping Action Team ng barangay pero wala ito doon at ilang araw na raw hindi umuuwi. Narekober ng mga awtoridad sa crime scene ang isang basyo ng bala ng kalibre 45 baril. Patuloy naman hinahanap ng mga pulis ang suspek na nahaharap sa kasong murder. --  Jean Erica P. Labiano/FRJ, GMA News