ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pinakamainit na panahon sa Dagupan City, naitala ngayong Huwebes


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ang mga residente naman ngayon sa Dagupan City, Pangasinan ang nakaramdaman ng matinding init ng panahon ngayong taon nitong Huwebes. Ayon kay PAGASA forecaster Connie Dadivas, umabot sa 38.0 degrees Celsius ang temperatura sa Dagupan City nitong Huwebes, dakong 2 p.m.   Ngayong taon, ito na umano ang pinakamainit na naitala sa nabanggit na lungsod.   Ang init na naramdaman sa Dagupan City ay mas matindi kumpara sa 35.1 degrees Celsius na naitala sa Metro Manila na naranasan dakong 4 p.m.   Nitong nakaraang Sabado, Abril 6, naitala ang pinakamainit na temperatura sa bansa na umabot sa 39.6 degrees Celsius sa Echague, Isabela. — FRJ, GMA News