ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagtatayo ng power plant sa Davao del Sur, aprubado na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inaasahan na makakadagdag sa suplay ng enerhiya sa Mindanao ang itatayong Hydroelectric Power Plant sa Sta. Cruz, Davao del Sur na tinatayang nagkakahalaga ng P1.165 bilyon. Ito'y matapos aprubahan ng Board of Investments (BOI) ang aplikasyon ng Hedcor Sibulan Inc. (HSI) para makakuha ng insentibo sa itatayong Tudaya 1 Hydroelectric Power Plant sa Sta. Cruz. Ang proyekto ay tinatayang magkakaloob ng karagdagang 6.6 megawatts (MW) sa suplay ng enerhiya sa Mindanao na kasalukuyang apektado ng rotational brownout bunga ng kakapusan sa suplay ng kuryente.   Ang itatayong hydropower ay kukuha ng enerhiya sa pamamagitan ng tubig na nagmumula sa ilog ng Sibulan at Baroring.   Inaasahang magsisimulang mag-operate ang planta sa Setyembre 2014. Ang enerhiyang manggagaling sa planta ay ibebenta sa Davao Light and Power Company, Inc. (DLPC), na nagsusuplay ng kuryente sa Davao City, ilang bahagi ng Davao del Norte gaya ng Panabo City, Carmen, Dujali at Sto. Tomas. - FRJ, GMA News