ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Deadline ng ITR filing, dinagsa sa BIR Naga


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sa gitna ng mga paalala ng Bureau of Internal Revenue Naga District Office na agahan ang pag-file ng income tax return, marami pa ring mga tax payers ang humabol sa deadline nitong Lunes. Kagaya na lamang ng mag-asawang Erickson at Aicyn Moreno; ayon sa kanila, malaking tulong ang pagkakaroon ng sistema sa loob ng opisina upang maging maayos ang bawat transaksiyon. Kahit ang guwardiya ng opisina, tumulong upang bumilis pa lalo ang serbisyo. Malaking tulong rin sa pagpapabilis ng serbisyo ang mga nakadikit na sample forms na kokopyahin na lamang ng mga magbabayad ng buwis. Dagdag naman ni Soccoro La Fuente, District Officer ng BIR Naga, may multa nang ipapataw ang BIR sa sinumang hindi makakaabot sa itinakdang deadline. Siniguro rin ng opisyal na mananatling bukas ang kanilang opisina ngayong araw hangga’t may mga tao na nakapila pa. — BM, GMA News