ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

2 bata na napabayaang maligo sa dagat, nalunod


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nasawi ang dalawang bata na may edad limang taon matapos na malunod habang naliligo sa baybayin ng Molo, Iloilo City.   Isinugod pa sa ospital ang mga biktima na sina Christian Banes at Grace Joy Garcia pero kapwa sila idineklarang dead on arrival.   Ayon kay Renante Garcia, ama ni ni Grace Joy, naging kampante sila na walang masamang mangyayari sa dalawang bata dahil nasa mababaw na parte lamang ng baybayin naliligo ang mga ito.   Ngunit huli nang makita nila ang mga bata na posible umanong naabutan ng high tide ng tubig kaya nalunod. -- Berbard Bernas/FRJ, GMA News