ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

13 bilanggo sa isang piitan sa Negros Occidental, nakatakas


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Labingtatlong preso sa Sagay City jail sa Negros Occidental ang nakatakas nitong Miyerkules ng gabi. Ayon kay Sr. Supt. Ricardo dela Paz, director ng provincial police office, nagawang makatakas ang mga preso nang madisarmahan nila ang nakabantay na mga guwardiya dakong 6:00 p.m. Ang mga nakatakas na preso ay nahaharap umano sa mga kasong pagpatay, frustrated murder at robbery. Patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology kaugnay sa pananagutan ng mga nakatalagang guwardiya. Samantala, pinaigting naman ang paghahanap sa mga tumakas na bilanggo. -- Ashley Liza/FRJ, GMA News