ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pamilya ni Burgos, wala pang desisyon kung tatanggapin ang alok na proteksyon ng gobyerno


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hiniling umano ni Gng. Editha Burgos ng dagdag na panahon para makapagdesisyon kung tatanggapin ang alok na proteksiyon ng gobyerno para sa kanilang pamilya, ayon kay Justice Secretary Leila De Lima.   Ayon kay De Lima, magkikita sila ni Gng Burgos sa Huwebes upang pag-usapan kung ano ang magiging desisyon ng kanilang pamilya.   "We had preliminary talks with Mrs. Burgos already on that matter. [Pero] sabi niya, she needs to consult with her children and family," anang kalihim.  "So we will be meeting her again on Thursday to discuss compliance."   Sinabi pa ng opisyal na mayroong deadline na itinakda ang Korte Suprema sa pagsusumite ng DOJ ng "confidential memorandum" kung saan idedetalye ang "security arrangements" para sa pamilyang Burgos.   Nauna nang inatasan ng SC ang DOJ at ang nakapailalim ditong ahensiya na National Bureau of Investigation, na bigyang proteksyon ang pamilya Burgos. Ito'y matapos ihain sa korte ang mga bagong ebidensiya tungkol sa pagkawala ni Jonas Burgos noong Abril 2007.   Mga tauhan ng militar ang sinasabing sangkot sa pagkawala ni Jonas, aktibistang anak ni Gng. Editha.   Naglabas ng temporary protection order ang SC matapos sabihin ni Gng Burgos na nanganganib ang kanyang buhay dahil sa "sensitive nature" ng bagong ebidensiyang inihain nila sa korte noong Abril 1.   Noong nakaraang linggo, ikinatuwa ni Gng. Burgos -- maybahay ng yumaong press freedom icon na si Jose Burgos Jr.— ang ipinakitang malasakit ng SC para sa kaligtasan ng kanyang pamilya kahit hindi naman nila ito hiningi. "I am very grateful for the SC, though we didn't request for the temporary protection order. But I think they appreciated the seriousness of the evidence which I have submitted to them," ayon kay Gng Burgos.   "I think it is true that there is danger to our lives. But we have to think about it, weigh the pros and cons of having a TPO or to have protection," dagdag niya.   Inamin niya na ang dagdag na gastusin para sa pamilya ang isa sa kanilang iniisip.   "[May mga] consequences, like 'pag may lagi kang kasama, sa finances may consequences. During the martial law, nung under house arrest ang husband ko, 24 hours may nagbabantay sa amin. We have to feed them," paliwanag ni Gng. Burgos. -- Mandy Fernandez/FRJ, GMA News

Tags: jonasburgos