ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

79-anyos na lola, ninakawan at pinaslang sa Cebu; 3 suspek, apo ng biktima


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 79-anyos na lola sa Balamban, Cebu ang ninakawan at pinaslang sa loob ng kanyang bahay. Sa follow-up operation ng mga pulis, nadakip ang tatlong suspek na apo mismo ng biktima. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV nitong Martes, sinabing narinig ng mga kapitbahay ang paghingi ng tulong ng biktima. Nang puntahan nila ang bahay nito, nakita nila ang duguang katawan ng biktima na nagtamo ng mga saksak. Isinugod pa nila ito sa ospital pero hindi na umabot ng buhay. Ayon sa mga kaanak ng lola, nawawala ang P50,000 pera ng biktima na nanggaling sa pagbebenta ng lupa. Sa tulong ng ilang saksi, nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis at nadakip ang tatlong lalaki na pawang apo ng biktima. Bagaman inamin ng tatlo ang pagnanakaw, nagtuturuan naman sila kung sino ang sumaksak sa biktima. - FRJ, GMA News

Tags: cebucrime