ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Janitor ng isang resort sa La Union, huli sa pamboboso; cellphone ng suspek, puno ng hubad na larawan at video


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Babala sa mga bakasyunista: maging mapagmasid sa pinupuntahang resort. Sa San Fernando, La Union, isang janitor ng isang resort ang dinakip matapos mahuli umano ng kanilang dalawang kliyente na naninilip sa banyo. Sa ulat ni Ian Cruz sa Balitanghali nitong Miyerkules, kinilala ang dinakip na suspek na si Jessie Olinares. Kuwento ng pulisya, isinumbong umano ng dalawang kliyente ng resort ang suspek matapos nilang mapansin na may tao sa kisame ng banyo kung saan sila naliligo. Panoorin: Reporter's Notebook: 'Boso' Nang kunin umano ng mga pulis ang cell phone ng suspek, nakita rito ang mga hubad na larawan at video na posibleng kuha sa iba pang kliyente ng resort na kanyang binosohan. Bagaman inamin na noong una ni Olinares na sa kanya ang cellphone, bigla na naman niya itong binawi, ayon sa ulat. Inihahanda na ng pulisya ang mga kasong isasampa kay Olinares, at aalamin din kung may pananagutan din dahil sa posibleng kapabayaan ang may-ari ng resort. -- FRJimenez, GMA News

Tags: boso, launion