ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ginang, nasawi matapos makulong sa nasusunog niyang bahay sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang 59-anyos na ginang ang nasawi matapos siyang makulong sa nasusunog niyang bahay sa Minglanilla, Cebu nitong Martes. Sa ulat ni Randy Gullon ng GMA Cebu sa Balita Pilipinas Ngayon, kinilala nito ang nasawing biktima na si Estrella Panoncia. Tanging ang kasambahay umano ang kasama ng biktima sa dalawang palapag nitong nang maganap ang insidente. Ayon sa kasambahay, hindi na niya nagawang iligtas ang biktima dahil sa malaki na ang apoy. Naghihinanakit naman sa mga bumbero ang ilang kaanak ng biktima dahil sa paniwalang puwede pa sanang mabuhay ang ginang kung naagapan lamang. Pero ayon sa rumespondeng bumbero, wala nang buhay si Panoncia nang makita nila ito sa loob ng nasunog na bahay. Inaalam pa ng mga imbestigador ang pinagmulan ng sunog pero lumilitaw sa kanilang paunang pagsisiyasat na maaaring nag-overheat na electric fan ang pinagmulan ng sunog. -- FRJ, GMA News

Tags: fire, cebufire