ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Palasyo, hindi magdedeklara ng 'all-out war' vs NPA


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Inihayag ng Malacañang noong Miyerkules na hindi ito magdedeklara ng "all-out war" laban sa New People's Army sa kabila ng mga mararahas na pagpapapansin nito lalo na ngayong panahon ng eleksyon. Kabilang sa pinakahuling mga marahas na aktibidad ng mga komunistang rebelde ay ang pag-atake sa convoy ng ina ni Senator Teofisto Guingona III sa Misamis Oriental. Noong Martes, sinabi ng Malacañang na iniutos umano ni Pangulong Benigno Aquino III na magsagawa ng operasyon ang mga tropa ng pamahalaan para buwagin ang inilagay na mga checkpoint, gayundin ang hinihinging permits-to-campaign ng mga rebelde sa mga lokal na kandidato ngayong eleksiyon. Sa press briefing noong Miyerkules, sinabi ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na kung "lehitimo" man noon ang mga ipinaglalaban ng NPA, ngayon ay nanging isang bandidong grupo na ito at nangingikil ng pera mula sa mga lokal na pulitiko, pati na rin sa mga sibilyan. "They may have ideologies before, but what have they done? Nang-e-extort sila ng pera. We have even heard that the people they are supposed to protect, iyon ang hinihingan nila ng pera,” ani Lacierda. Subalit, nang tanungin kung magsasagawa ng "all-out war" ang pamahalaan laban sa NPA, sinabi niyang wala siyang alam kung may balak bang ganito. Sa halip, sinabi niyang [the rebels are] “to come down the mountains” and “enjoy the progress of the country.” "There are people there who might have been misinformed, who may not have seen that this government is committed to changing their situation. May plano po tayo para sa mga kaibigan nating nasa bundok,” aniya. “We are asking those who have remained behind to see what we have to offer them. As I said, stop surviving and start living,” dagdag niya. 'Make our day' Gayundin, nagbabala si Lacierda laban sa mga rebelde kung ipagpapatuloy nila ang karahasan, sapagkat tiyak na aarestuhin sila.  “Let me just ask them to apologize to these civilians they have murdered... You want to challenge us? Go ahead. Make our day,” aniya. Noong Sabado ng gabi, tinambangan ng mga komunistang rebelde ang convoy ng ina ni Sen. Guingona na si Mayor Ruthie de Lara-Guingona ng Gingoog City. Nakaligtas ang mayor, ngunit napatay ang kanyang driver at security aide. Sa inilabas namang pahayag noong Linggo, humingi ng paumanhin ang komunistang grupo dahil sa insidente, ngunit iginiit na itutuloy pa rin nila ang kanilang checkpoint operations sa Mindanao, kung saan pinagbabawalan ang mga kandidato at security escort sa pagdadala ng mga armas. — Amanda Fernandez /LBG, GMA News