ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Birthday celebration sa Iloilo, nauwi sa trahedya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Napalitan ng lungkot ang masayang birthday celebration ng isang pamilya sa Jaro, Iloilo nang maaksidente ang sinasakyang nilang jeepney at masawi ang mismong nagdiwang ng kaarawan.   Lumitaw sa imbestigasyon na pauwi na mula sa pinuntahang beach resort sa bayan ng Leganes ang pamilya nang bumangga ang sinasakyan nilang jeepney sa isang nakaparadang trak.   Sa lakas ng pagkakabangga, natanggal ang bubungan ng jeepney na ikinasawi ng biktimang si Melanie Gregorios ng barangay Balantang sa bayan ng Jaro. Sugatan naman ang 15 iba pang sakay ng jeepney na sinaklolohan ng Iloilo City Emergency Responders.   Napag-alaman ng mga imbestigador na iniwasan ng drayber ng jeepney ang nakasalubong na trak sa palikong bahagi ng kalsada. Pero dahil sa bilis ng takbo nito, hindi nito naiwasan na banggain ang isang nakaparadang trak sa gilid ng kalsada.   Kabilang sa nagpapagaling sa ospital ang asawa at anak ng nasawing biktima. -- Enrico Surita Jr./FRJ, GMA News