ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

P1.2 bilyong halaga ng ipinuslit na bigas, nasabat sa Cebu


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Mahigit 1,000 container vans na may laman na mga sako-sakong bigas na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 bilyon ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa pantalan ng Cebu. Sa ulat ni Vic Serna ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing 60 sa 1,169 na nasabat na container vans ang binuksan para alamin ang laman nitong bigas na nanggaling sa Vietnam. Ayon sa BOC, kung nakalusot at nakalabas ang mga container van, tinatayang P660 milyon na duties and taxes ang maaaring nawala sa gobyerno. Naglabas umano ng alert order ang BOC mula pa noong Marso 18 dahil na rin sa nakalat nilang mga impormasyon tungkol sa pagpasok ng mga iligal na bigas. - FRJ, GMA News

Tags: rice, smuggling