Private prosecutor sa Corona impeachment trial, itinalagang bagong LTFRB chief
Itinalagang bagong pinuno ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang isa sa private prosecutors sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong nakaraang taon Nitong Martes, inanunsyo ni presidential spokesperson Edwin Lacierda na itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Winston Ginez bilang kapalit ni dating LTFRB chief Jaime chief, na nagretiro mula sa kanyang posisyon nitong Marso. Ayon kay Lacierda, humiling ng exemption ang Department of Transportation and Communications (DOTC) sa appointments ban ngayong panahon ng eleksyon, na inaprubahan naman ng Commission on Elections. Nasa ilalim ng DOTC and LTFRB, na siyang namamahala sa "routes of service" at sa pag-iisyu o pagkakansela ng mga permit ng public land transportation services sa bansa. — Amanda Fernandez/KBK, GMA News