ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Pagtatayo ng nat'l employment agency, ipinanukala sa Kamara


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Ipinanukala sa Kamara ang pagtatayo ng isang “national employment agency” na maaaring pagkunan ng mga manggagawa para sa mga tanggapan ng gobyerno at maging sa mga pribadong kumpanya, ayon sa ulat ni Rowena Salvacion ng dzBB. Sa ilalim ng House Bill 1501, ang National Manpower Data and Placement Center (NMDPC) ang magsisilbing labor pool ng bansa. Ito rin ang mangangasiwa sa manpower data bank o listahan ng available na mga manggagawa, depende sa kanilang kakayahan o kasanayan. Ang panukalang NMDPC din ang  iipon ng datos at istatistika sa kasalukuyang labor pool sa Pilipinas. Mahalagang magkaroon ng ganitong ahensya para maging sistematiko ang pagkuha at pagsu-supply ng mga kawani sa mga pribadong kumpanya at sa gobyerno, ayon sa ulat ngdzBB. — RC /LBG, GMA News