ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Dagupan City mayor, inireklamo ng Liberal Party ng 'vote buying' sa Comelec


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Kinasuhan ng vote buying sa Commission on Elections (Comelec) ng Liberal Party si re-electionist Dagupan City mayor Benjie Lim. Sa ulat Balita Pilipinas Ngayon ng GMA News TV, sinabing ang reklamo ng LP ay bunga umano ng pagpa-Bingo ni Lim at ng kanyang kampo tuwing matatapos silang magsagawa ng pangangampanya. Maituturing umanong pamimili ng boto ang pa-Bingo dahil libre daw ipinamamahagi ang Bingo card at umaabot sa P20,000 ang papremyo nito. Sinabi naman sa ulat na itinanggi ni Lim ang mga paratang. Makakalaban ni Lim sa naturang posisyon bilang alkalde ng lungsod ang kasalukuyang bise alkalde na si Belen Hernandez, na siyang kandidato ng LP. Patuloy pa umanong pinag-aaralan ng Comelec ang merito ng reklamo. - FRJ, GMA News