ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Ginang sa CamSur, nasawi sa inilagay nilang kuryente sa bakod na patibong sana sa magnanakaw


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi akalain ng isang mag-asawa na sila mismo ang madidisgrasya sa inilagay nilang patibong na kuryente na para sana sa magnanakaw ng alaga nilang mga baka sa Camarines Sur.   Labis ang hinagpis ni Abelardo Colico nang makita niya nitong Huwebes ng umaga ang kanyang misis na si Herminia, 61-anyos, na wala nang buhay sa kanilang bakuran sa barangay Inapatan sa bayan ng Nabua, Camarines Sur.   Nakita ni Abelardo si Herminia na nakahampay sa bakod na nilagyan nila ng kuryente para sana maprotektahan ang alaga nilang mga baka na pinagkukunan nila ng kabuhayan.   Ayon kay Abelardo, batid nila ang panganib sa paglalagay nila ng kuryente sa bakod pero napilitan silang gawin ito dahil uso ang nakawan ng mga hayop sa kanilang lugar.   Pinag-aaralan naman ng awtoridad kung may pananagutan o nilabag na batas ang pamilya Colico sa paglalagay ng kuryente sa bakod. - Michael B. Biando/FRJ, GMA News