ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Suspek sa pagpatay sa 15-anyos na babae sa Albay, kinilala na


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinaghahanap na ngayon ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa isang 15-anyos na babae sa Daraga, Albay.   Kinilala ng pulisya ang suspek na si Cristobal Magdaraog, 27-anyos, katulong ng mag-asawang Africano sa nabanggit na bayan.   Matatandaan na natagpuan kamakailan ang nabubulok na bangkay ng biktimang si Mitchel Monreal sa likod ng bahay ng pamilya Africano.   Lumitaw sa imbestigasyon na Abril 27 nang makipagkasiyahan ang biktima sa kaniyang mga kabarkada at mula noon ay hindi na ito nakauwi sa kanilang bahay.   Ayon kay Sr. Insp. Arthur Gomez, chief investigator ng Provincial Police Office-Albay, hindi pa lumalabas ang autopsy result sa biktima kaya hindi pa matukoy ang ikinamatay nito.   May paniniwala rin ang mga awtoridad na maaaring pinagsamantalahan ang dalagita.   Kumpiyansa ang mga awtoridad na mahuhuli sa madaling panahon si Magdaraog. -- Michael Biando/FRJ, GMA News

Tags: bicolrape, rape, albay