ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Vice mayor ng Burgos, Ilocos Norte, sinapak daw ng konsehal sa loob ng presinto


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sinapak umano sa mukha ng isang konsehal ang re-electionist vice mayor ng bayan ng Burgos sa Ilocos Norte. Ang insidente, nangyari sa loob mismo ng presinto. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Biyernes, sinabing nagtungo sa presinto si vice mayor Rey Espejo upang ireport ang pagbabanta sa kanya ng dalawang lalaki na nakasakay sa motorsiklo. Ayon kay bise alkalde, kasama umano ni konsehal Joseph Jimenez ang dalawang lalaki na nagbabanta sa kanya. Habang nagrereport sa pulisya, bigla umanong dumating si Jimenez at sinapak sa mukha ang lokal na opisyal. Ngunit iginiit ni Jimenez na si Espejo ang unang umatake sa kanya at idinepensa lang niya ang kanyang sarili. Pero ayon sa mga pulis, si Jimenez ang nagsimula ng gulo kaya kakasuhan nila ito ng direct assult. Makakalaban ni Espejo sa pagka-bise alkalde sa bayan ng Burgos ang kapatid ni Jimenez. - FRJ, GMA News