ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Hinala ni Loren vs kapwa kandidato tungkol sa 'condo' isyu, 'di pakikialaman ni PNoy


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Wala umanong balak si Pangulong Benigno Aquino III na talakayin sa ibang kandidatong senador ng Team PNoy ang hinala ni re-electionist Senator Loren Legarda na kapwa niya senador ang nasa likod ng paglabas ng isyu tungkol sa nabili niyang mamahaling condominium unit sa New York.   Sa press briefing nitong Martes sa Malacanang, sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte, na ayaw ikonsidera ni Aquino ang hinala ni Legarda laban sa kapwa kandidato sa Team PNoy.   "Remember that Senator Loren never mentioned anybody. We do not want to engage in any speculation when it comes to these things. The President has not mentioned any intent to speak to another candidate about this particular issue," paliwanag ni Valte sa media.   Nitong nakaraang linggo, lumabas ang balita tungkol sa condo unit na nabili umano ni Legarda sa New York na nagkakahalaga $700,000.  Inakusahan din ang senadora na hindi umano nito idineklara sa kanyang statements of assets, liabilities and net worth (SALNs) ang nasabing ari-arian.   Iginiit naman ni Legarda na hindi niya solong pag-aari ang unit at nakasaad din umano ito sa kanyang SALN taliwas sa akusasyon laban sa kanya.   Video: Condo unit, idineklara raw ni Legarda sa SALN bilang equity in real property Bagaman walang binanggit na pangalan, sinabi ni Legarda na isang kapwa kandidatong senador na nais manguna sa eleksiyon ang nasa likod ng paninira sa kanya.   Dahil sa hinala ni Legarda, naniniwala ang ibang grupo na nagkakaroon na ng lamat sa grupo ng mga kandidato ni Aquino.   Solid pa rin   Ngunit iginiit ni Valte na tiwala si Aquino na nananatiling solido ang samahan ng Team PNoy.   "We don't agree that there are cracks or any rift, perhaps, in the administration slate. We have always been of the position that the slate is solid and this is reflected in their standings in the surveys," pahayag ng opisyal.   Kasabay nito, pinayuhan naman ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, tagapagsalita ng Team PNoy, ang oposisyon na pagtuunan ang sarili nilang kampanya sa halip na mang-intriga. Basahin: Graft raps filed vs. Loren Legarda over 'misdeclared' assets “Team PNoy is as solid as ever. The opposition must be hallucinating,” pasaring ni Evardone sa grupo ng United Nationalist Alliance (UNA).   Unang napaulat sa pahayagan na inihayag ni Navotas Rep. Toby Tiangco, campaign manager ng UNA, na hindi na umano maitatago ang hidwaan sa kampo ng administrasyon dahil na rin sa isiniwalat ni Legarda.   Sinuportahan din ng ilang lider ng UNA si Legarda sa kinakaharap nitong kontrobersiya tungkol sa usapin ng condo sa Amerika.   Pero para kay Evardone, hindi umano dapat "sumawsaw" si Tiangco sa usapin ng Team PNoy. “I think Toby is dipping his fingers in the wrong pie. He would be better off thinking of ways to shepherd UNA’s tailing candidates to the Magic 12. And there are many of them,” payo ni Evardone. “With barely a week to go before the elections, Toby must be getting desperate. He sees cracks when there is none. Worst, his slate is facing what we may call landscape defeat,” dagdag niya. - PR/FRJ, GMA News

Tags: lorenlegarda,