ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

'Tip' ni Kris Aquino sa taxi driver sa Cebu, maituturing bang vote buying?


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Maituturing nga bang vote buying ang pagbabayad ni Kris Aquino ng P1,000 sa isang taxi driver -- kasama na ang 'tip' -- makaraan niyang irekomenda ang tatlong senatorial candidates na kanyang sinusuportahan? 'Pwede," ang naging tugon ni Commission of Elections (Comelec) chairman Sixto Brillantes Jr., nang matanong ng media tungkol sa isyu.   “It would appear na merong…Di ba parang kumakampanya ka. Para kang nakiusap, para mong binigyan ng premyo,” pahayag ng opisyal.   Basahin: Chiz says Kris Aquino joining Visayas, Mindanao sorties Una rito, iniulat sa Philippine Daily Inquirer na nagtungo sa Cebu City si Kris noong nakaraang Linggo para ikampanya sina Team PNoy senatorial bets Grace Poe at Francis Escudero.   Sa panayam sa kanya ng media sa Cebu, ikinuwento ni Kris kung gaano kapanatag ang kanyang loob sa Cebu kaya sumakay siya ng taxi para magpahatid sa kanyang hotel.   Sa taxi, binanggit umano ni Kris sa drayber na suportahan ang kanyang mga iniendorsong kandidato na sina Poe at Escudero, at isama rin ang kanyang pinsan na si Bam Aquino.   Nang sumang-ayon umano ang drayber, sinabi ni Kris na dinoble niya ang bayad at ibinigay na rin ang sukli.   'Done in good faith'  Gayunman, sinabi ni Brillantes na ang pagiging bukas ni Kris na ikuwento ang nangyari sa taxi ay pagpapatunay na ginawa iyon ng actress-TV host "in good faith."   “It shows her good faith. As far as she is concerned, she does not find anything wrong with it. Para bang natuwa lang siya siguro dahil nung kinampanya niya sinabi ng driver OK,” paliwanag ng opisyal. Basahin: Mayor Kris o Governor Kris?: Kris Aquino, posibleng pasukin na ang pulitika sa 2016 Idinagdag pa niya na hindi maaaring umaksyon ang Comelec tungkol sa usapin kung walang magrereklamo laban kay Kris.   “E sino ang complainant? On the basis of her story? Sabihin niya, 'Kinuwento ko lang lahat naman kasi pinaniniwalaan n'yo lahat ng sinasabi ko',” ani Brillantes.   Patuloy niya, maaari namang itanggi ni Kris ang naturang kuwento. “She can always deny it. Ako tingin ko done in good faith,” deklara ni Brillantes. — FRJ, GMA News

Tags: krisaquino