ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

VP Binay, pinasaringang unggoy ng alkalde ng Roxas City


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Aminado ang alkalde ng Roxas City na nasaktan siya sa mga paratang at pagtawag sa kanyang bakla ni Vice President Jejomar Binay. Bilang buwelta, pinaringgan naman ng lokal na opisyal na unggoy ang pangalawang pangulo. Sa ulat ng GMA news 24 Oras nitong Miyerkules, mariing itinanggi ni Roxas city mayor Alan Celino ang himutok ni Binay na binastos niya ito nang mangampanya ang United Nationalists Alliance (UNA) sa nabanggit na lungsod na balwarte ni Interior and Local Government Sec. Mar Roxas. Si Roxas ay tinalo ni Binay sa vice presidential race noong 2010 elections. Ayon kay Celino, dapat patunayan ni Binay ang mga alegasyon nito na ipinatanggal niya ang mga poster nito at hinarangan ang kalsada na dadaanan ng motorcade. Iginiit din ng alkalde na hindi tama ang ginawang pagtawag sa kanya ni Binay na bakla. "Kung tawagin kitang unggoy? Vice President, mukhang kang unggoy, okay 'yon sa'yo? O, hamunin na suntukan na lang tayo? Hindi naman 'yan tama," pahayag ng alkalde. Nang kunan ng reaksiyon sa naging pahayag ni Celino, natawa naman si Binay at sinabing "anytime" pagdating sa hamon na suntukan. -- FRJimenez, GMA News