ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

1 batalyon, ipadadala sa Masbate para magbantay sa halalan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Bibiyahe ngayong Huwebes patungong Masbate ang isang batalyong Philippine Army bilang "augmentation force" upang masiguro ang mapayapang halalan sa probinsya sa darating na Mayo 13. Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Aurelio Baladad na ang pagpapadala ng karagdagang pwersa ng militar ay tugon sa kahilingan ng Regional Election Director dahil nananatili pa ring banta ang karahasan sa isla, ayon sa ulat ni Tuesday Niu ng dzBB . Maliban sa Masbate, nagdagdag na rin sila ng pwersa sa Eastern Samar, particular ang isang ranger company, ayon kay Baladad. Dagdag pa niya, mainit umano ang labanan sa pulitika sa nasabing lalawigan at patuloy umanong nakatatanggap ng mga banta sa buhay ang ilang mga kandidato doon. Ang isang batalyon ay katumbsa sa 300 hanggang 1,200 na mga sundalo. Values education vs 'vote-buying' Samantala, sinabi naman ng Philippine National Police na values education lamang umano ang tanging paraan upang masugpo ang vote-buying. Sa hiwalay na ulat ni Glen Juego ng dzBB, sinabi ni PNP Chief Dir.  Gen. Alan Purisima na dapat itituro sa mga bata na bawal at hindi magandang kagawian ang pagbibili at pagbebenta ng boto. Inamin ng PNP na mahihirapan silang ipatupad ang batas laban sa vote-buying dahil mahirap patunayan ang gawaing ito, at maaari pa umano itong ikapahamak ng mga pulis. — RC /LBG, GMA News