ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Isang barangay sa Calasiao, Pangasinan, binaha dahil sa pag-ulan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nababahala ang ilang residente sa isang barangay sa Calasiao na baka ulanin at bahain ang kanilang lugar sa araw mismo ng halalan sa Lunes, Mayo 13. Ang pangamba ay bunga ng hanggang tuhod na baha na idinulot ng magdamag na pag-ulan sa bahagi ng barangay Talibao nitong Huwebes ng gabi.   Sa ulat ni Joyce Segui ng GMA-Dagupan sa Balita Pilipinas Ngayon, sinabi na nitong Biyernes lang ng umaga humupa ang pagbaha.   Kung muling uulan ng malakas sa Linggo ng gabi o sa Lunes, nangangamba sila na mahihirapan ang mga tao na magtungo sa mga polling precinct.   Gayunman, tiniyak ng barangay council na nakahanda sila umayuda sa kanilang mga nasasakupan kung sakaling bahain ang kanilang lugar.   Umaasa naman ang mga residente na malulunasan ng mga taong iluluklok nila sa puwesto ang problema sa baha ng kanilang barangay. -- FRJ, GMA News