ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Final testing at sealing ng ilang PCOS machine sa Cebu City, nagkaaberya


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Nagkaroon ng aberya sa isinagawang final testing at sealing ng mga PCOS machine sa Cebu City na gagamitin sa halalan sa Lunes, Mayo 13.   Sa ulat ni Lou-Anne Mae Rondina ng GMA-Cebu sa Balita Pilipinas Ngayon nitong Biyernes, sinabing human at technical error ang karaniwang dahilan ng pagpalya ng ilang PCOS machines sa 14 na polling precincts sa lungsod.   Isang cluster precinct din umano sa North District ng lungsod ang hindi naisagawa ang final testing at sealing dahil hindi nagkatugma ang serial number ng makina sa hawak na check list ng Board of Election Inspector (BEI).   Sa Talisay City mayroon din iniulat na PCOS machine na nagkaroon ng aberya.   Sakabila nito, tiniyak naman ng Comele-Cebu na handa na sila sa halalan at maaayos nila ang mga naging aberya bago ang araw ng eleksyon dahil na rin sa mga nakareserba nilang makina. - FRJ, GMA News