ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Sen. Alan Cayetano, nagsalita na tungkol sa naging 'iringan' nila ni Sen. Legarda


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Isang araw matapos ang eleksiyon, nagbigay na ng pahayag si re-electionist Sen. Alan Peter Cayetano sa napabalitang iringan nila ng kapwa kasamahan niya sa Team PNoy senatorial slate na si re-electionist Sen. Loren Legarda.   Sa panayam ng GMA News 24 Oras nitong Martes, ipinaliwanag ni Cayetano na pinili niyang manahimik at huwag nang sagutin ang isyu tungkol sa kanila ni Legarda alang-alang sa pagpapanatiling solido ang Team PNoy slate sa nalalabing linggo ng kampanya.   Ginawa umano niya ito kahit batid niyang mababawasan ang boto sa gagawing pananahimik sa isyu.   Una rito, nagpasaring si Legarda na isang kasamahan niya sa Team PNoy ang nasa likod ng  paglabas ng usapin tungkol sa pagbili niya ng mamahaling condominium unit sa New York na umano'y hindi nila idineklara sa kanyang statement of assets, liabilities and networth.   Basahin: Loren Legarda found to own condo on posh Park Avenue in New York Bagaman walang pangalang binanggit, sinabi ni Legarda na nais ng kandidato na kanyang tinutukoy na maging number one sa resulta ng botohan.   Sa pinakahuling survey na ipinalabas ng Social Weather Station (SWS) noong nakaraang linggo, lumitaw na una si Legarda, habang pangalawa naman si Cayetano, na sinundan ni re-electionist Sen. Francis Escudero.   Sa panayam kay Cayetano, sinabi niya na hindi siya kinausap o kinompronta ni Legarda tungkol sa alegasyon ng New York condominium.   Idinagdag pa niya na "not feel alluded to" sa pasaring ni  Legarda kaya hindi rin siya nagsalita.   Basahin: PNoy admits rift in administration senatorial slate Kasabay nito, binati ni Cayetano ang mga nangunguna sa partial at unofficial count ng mga boto sa pagka-senador ang kasamahan sa Team PNoy na si Grace Poe, gayundin ang pumapangalawang si Legarda.   Nasa ikatlong puwesto naman si Cayetano, na sinusundan ni Escudero.   Isiniwalat din ni Cayetano na maliban sa sarili, ibinoto niya ang 11 pang kandidato ng Team PNoy. Ipinalit niya sa kanyang sarili si independent senatorial candidate Eddie Villanueva. -- FRJImenez, GMA News