ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Batang babae, aksidenteng nabaril ng sumpak ng kanyang 10-taong-gulang na pinsan
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Nasawi ang isang tatlong-taong-gulang na babae matapos siyang aksidenteng mabaril ng sumpak na pinaglaruan ng kanyang 10-taong-gulang na pinsang lalaki sa Lagonoy, Camarines Sur. Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Martes, sinabing iniwan ng ama ng biktima ang kanyang anak at ang pinsan nitong batang lalaki para makaboto nitong Lunes. Pinaglaruan umano ng lalaki ang sumpak na nakatago sa ilalim ng lababo at pumutok. Sa kasamaang-palad, tinamaan ng bala sa ulo ang biktima na dahilan ng kamatayan nito. Nasa kostudiya na ng Department of Social Welfare and Development ang batang lalaki. Samantala, pinag-aaralan naman ang pananagutan ng ama ng biktima na siyang may ari ng sumpak. - FRJ, GMA News
Tags: bicolcrime, bicol
More Videos
Most Popular