ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

DPWH, iniutos ang pag-iimbestiga sa P500-M iregularidad sa Leyte road


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Sinimulan nang imbestigahan ng Department of Public Works and Highways ang umano'y P500 milyong iregularidad sa konstruksyon sa isang bahagi ng Leyte Road.
 
Ayon kay DPWH Secretary Rogelio Singson, nakikita sa mga dokumento na nananatiling hindi pa tapos ang Burauen-Albuera na bahagi sa kabila ng kabuuang P500 milyong pondong nakuha mula pa noong 2004.
 
"I cannot figure out why this road remains impassable and useless despite the amount of taxpayers’ money poured into this 13.72-kilometer road. I do understand that this road project is a new road opening, but, with the amount of money spent on the road section, local residents should have already been using this road, even if it is still on gravel surface. But, there is no continuous road to speak," ani Singson.
 
Ayon kay Singson, nagkaroon na ng 20 kontrata sa pagitan ng DPWH at mga local contractors noong 2004, 2007, 2008, 2009 at 2010 para sa konstruksyon sa bahaging iyon ng daan.
 
Sa katunayan, nakikita rin sa inisyal na ulat ng Quality Assurance Unit ng DPWH na ang ilang seksyon ng bahaging iyon ng daan ay hindi madadaan ng kahit anong sasakyan, "not even a motorcycle, because they remain as mountain trail."
 
Dagdag ni Singson, mayroon din dapat itinayong tawiran sa Tabgas river sa Albuera bahagi, ngunit walang namang itinayo.
 
Sa katunayan, naiulat na may ilang bahagi na natakpan na ng mga halaman.
 
“I want to get into the bottom of this,” ani Singson. — Amanda Fernandez/RSJ, GMA News
Tags: dpwh