ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News
Labanang Aga Muhlach at Wimpy Fuentebella sa Camarines Sur, dikit na dikit
+
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.
Mahigpit pa rin ang labanan sa pagitan nina actor Aga Muhlach at Wimpy Fuentebella sa pagka-kongresista sa ika-apat na distrito ng Camarines Sur. Kasalukuyang nangunguna si Fuentebella na may 58,084 boto, kontra sa 57,009 boto ni Muhlach, base sa huling bilang ng board of canvassers ayon sa ulat ni Kaye Botastas ng GMA Bicol sa Balitanghali.
Gayundin, apat na munisipyo pa ang hindi nabibilang na may mahigit kumulang na 69,631 na boto.
Samantala, magkahalong saya at kaba ang nararamdaman ni Aga Muhlach matapos na lumamang siya nitong umaga.
Kaninang 10:58 ng umaga lamang, ayon sa partial at unofficial na bilang na sakop ang 67.73% ng election returs sa Camarines Sur, nakatanggap ng 51,731 boto si Muhlach habang 48,804 boto naman ang kay Fuentebella.
"Ayaw ko namang sabihin na I was expecting for this to happen na manalo ako but of course I wanted to win," wika ni Muhlach sa panayam ni Kara David sa News To Go nitong Miyerkules.
Dagdag pa nito, "Funny lang, kasi first time ko 'to [tumakbo] and ang dami pa ring anomalya na nangyayari up to now kasi, even right now sa buong Cam Sur natapos na lahat, sa akin na lang ang hindi pa tapos, so I'm really scared."
Gayundin, ito ang unang pagkakataon na tumakbo sa pulitika ang batikang aktor kaya naman nag-aaral siya upang lubos na maunawaan ang lehislasyon.
"One thing is for sure, you have me, the whole of me to work hard for this district. In terms of legislation naman, I have my people and I've been studying. Pinag-aaralan ko talaga up to now, and I will let my performance speak for myself," saad ni Muhlach. — Mac Macapendeg/RSJ, GMA News
More Videos
Most Popular