ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mike Arroyo, pinayagang bumiyahe sa Japan at HK


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Pinayagan nitong Miyerkules ng Sandiganbayan si dating Unang Ginoo Jose Miguel Arroyo na bumiyahe sa Japan at Hong Kong mula Hunyo 1 hanggang 8.

Ang desisyon ay inilabas ng ikaapat ng dibisyon ng anti-graft court, batay na rin sa hiling ni Arroyo na bumiyahe upang makasama ang kanyang mga apo bago magsimula ang pasukan, ayon sa ulat ni Allan Gatus sa radio dzBB.

Subalit, kailangang magbigay ni Arroyo ng P90,000 travel bond bago ito makaaalis.

Siya ay may kinahaharap na kaso kaugnay sa kontrobersiyal na $329.48-million ZTE national broadband network deal.

Ayon kay Arroyo, gusto niyang makasama ang mga apo sa isang summer vacation sa mga naturang bansa.

Ayon sa itinerary ni Arroyo, siya ay tutungo sa Japan mula Hunyo 1 hanggang 5, at sa Hong Kong naman mula Hunyo 5 hanggang Hunyo 8, bago bumalik sa Pilipinas.

Kasama ng dating unang ginoo ang mga anak nito na sina Diosdado "Dato" Arroyo at Lourdes "Luli" Arroyo-Bernas, at pati na rin ang mga apo niya sa kanila. — JGV /LBG, GMA News

Tags: mikearroyo