ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Mayoralty candidate na nag-concede, nanalo nang makalamang ng 5 boto sa kalaban


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Hindi akalain ng isang mayoralty candidate sa Maasim, Iloilo na matapos niyang tanggapin ang pagkatalo ay maiproproklama siyang panalo sa pamamagitan ng paglamang ng limang boto sa kanyang kalaban. Basahin: Alamin kung kaninong bituin sa showbiz ang nagningning sa balota ngayong Eleksyon 2013 Sa ulat ng Balita Pilipinas Ngayon nitong Huwebes, sinabing nag-concede si re-electionist mayoralty candidate Mariano Malones Sr., nitong Lunes ng gabi nang lumamang sa kanya ang mahigpit na kalaban na si Atty. Elben Marlon Malaga. Ngunit nang matapos ang bilangan, lumitaw na lamang ng limang boto si Malones na may 8,586 boto kontra kay Malaga kaya siya ang iprinoklamang panalo. Plano naman ng kampo ni Malaga na maghain ng electoral protest sa pagkapanalo ni Malones. - FRJ, GMA News