ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Trak, nahulog 40 ft mula sa tulay sa Camarines Sur


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tuluyang nahulog sa 40-ft na tulay sa Sitio Lupi, Olag Pequeño, Tinambac, Camarines Sur ang isang trak na may kargang asukal at bigas noong nakaraang Sabado. Kuwento ng isang saksi, nawalan ng kontrol ang trak at tuloy-tuloy na nahulog sa mataas na tulay. Mahigit 200 sako ng asukal at 25 sako ng bigas ang nakakarga dito at papunta sana sa Brgy. Tamban upang i-deliver ang nasabing mga produkto. Ayon naman kay PO1 Karlo Pacardo ng Tinambac PNP, sa sobrang bigat ng karga ng trak ay hindi na kinaya pa ng pang-kalso nito kaya tuluyan itong nahulog. Himala namang ligtas at konting galos lang ang dinanas ng tsuper na si Eduardo Brazula na kaagad namang dinala sa pinakamalapit na ospital. Kasalukuyan namang nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon ang mga otoridad tungkol sa aksidente. — BM, GMA News

Tags: camarinessur