ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

Grupo, sumugod sa Makati upang igiit ang proteksyon ng mga OFW sa Taiwan


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Sumugod ang ilang militanteng grupo sa harap ng RCBC Tower sa lungsod ng Makati nitong Miyerkules ng umaga kung saan nangungupahan ang Taiwan Economic and Cultural Office.

Sa ulat ni Mao dela Cruz ng dzBB, hiniling ng mga nagprotesta sa ating pamahalaan at sa Taiwan na resolbahin ang problema sa pagkamatay ng mangingisdang Taiwanese sa pamamaril ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard noong Mayo 9.

Iginiit din ng militanteng grupo na hindi kaaway at huwag idamay sa hidwaan mga OFW sa Taiwan.

Dapat umanong irespeto ang karapatan ng mga manggagawang Filipino sa Taiwan dahil wala naman silang kinalaman sa gulo na nangyari sa Balintang Channel sa pagitan ng  Batanes and Babuyan Islands.

Sigaw ng mga manggagawa ang tuluy-tuloy na proteksyon sa mga OFW sa Taiwan.

Nagparating din rin ng taos-pusong pakikiramay ang grupo sa mga naulila ng mangingisdang Taiwanese na nasawi.  — RC /LBG, GMA News