ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

7 lang 278 kongresista ang hindi kasali sa 'millionaires club' ng Kamara


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Batay sa inilabas na listahan ng liderato ng Kamara de Representantes ng 2012 statement of assets, liabilities and net worth (SALN) ng mga kongresista nitong Huwebes, lumilitaw na pito lamang sa 278 na mambabatas ang hindi umabot sa isang milyon ang net worth.

Si Anak Pawis party-list Rep. Rafael Mariano ang mayroong pinakamaliit na net worth na umabot sa P92,507.15

Sumunod kay Mariano si South Cotabato Rep. Daisy Avance-Fuentes na nagdeklara ng total assets na P5,818,000.00. Pero mayroon din siyang "liabilities" na P5,700,000.00 kaya P118,000.00 na lamang ang natira sa kanyang net worth.

Basahin: Sen. Villar vs Rep. Pacquiao: Sino ang mas mayaman? 



Ang kinatawan naman ng party-list group na Kabataan na si Raymond Palatino, may total asset na P205,000.00.

Samantala, si Akbayan party-list Rep. Kaka Bag-Ao, nagdeklara ng assets na P2,506,640.56, na may liabilities na P2,275,851.60, para sa kanyang net worth na P230,788.96.

Nagdeklara naman ng net worth na P501,951.02 si Kalingan party-list Rep. Abigail Faye Ferriol.

Si Bulacan Rep. Joselito Andew Mendoza, kahit may idineklarang total asset na P9,050,000.00, mayroon naman siyang liabilities na P8,200,000.00 para sa naiwang net worth na P850,000.00. -- RP/FRJ/ELR, GMA News 

Tags: 2012saln, saln