ADVERTISEMENT
Filtered By: Topstories
News

3 katao, patay sa nasunog na boarding house sa Mandaluyong


+
Add GMA on Google
Make this your preferred source to get more updates from this publisher on Google.

Tatlong katao ang nasawi matapos masunog sa isang boarding house sa Mandaluyong City nitong madaling araw ng Sabado.   Sa isang ulat sa radio dzBB, sinabi na nangyari ang sunog sa Lions Road sa Barangay Ilaya sa Mandaluyong City.   Ayon sa isang nakaligtas na boarder, nagsimula ang sunog sa katabing bakery na  mabilis umanong kumalat sa boarding house.   Batay sa nakalap na paunang impormasyon ng mga imbestigador mahimbing na natutulog ang mga nasawi nang maganap ang sunog.   Sunog sa Quezon City   Samantala, isa pang sunog ang nangyari sa isang residential area sa Fairview sa Quezon City nitong Sabado rin ng umaga.   Nangyari ang sunog sa Lilac Street sa Barangay Greater Fairview, ayon sa ulat ni Manny Vargas sa radio dzBB.   Ayon sa volunteer fire group na TXTFire, umabot sa ikaapat na alarma ang sunog na tumupok ng may 25 bahay dakong 8:00 a.m.   Nahirapan ang mga bumbero na maapula ang apoy dahil sa masikip ang mga kalsada at gawa sa light materials ang mga bahay.   Patuloy na inaalam ng mga imbestigador kung ano ang pinagmulan ng apoy. -- JGV/FRJ, GMA News